Makalipas ang mahigit limang taon, magpapaalam na nga ba sa ere ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano‘ na pinagbibidahan ni Coco Martin?
Ayon sa report ng Inquirer:
A source told us that the final taping week is already scheduled and many of the cast members are already aware that the show will already have its finale next month.
Nagsimulang umere ang show noong September 2015 at patuloy na namamayagpag sa Primetime Bida ng Kapamilya network.
Hango ang kwento ng ‘Ang Probinsyano‘ sa 1996 classic film ng yumaong Fernando Poe, Jr. (FPJ) na may parehong pamagat.
Kwento ito ni Cardo Dalisay, isang pulis na naghahangad ng hustisya sa pagkamatay ng kaniyang kakambal na namatay sa isang police operation.
Nakilala rin ang teleserye na ito sa pagkakaroon ng mga bigating artista sa cast. Kabilang dito sina Susan Roces, Eddie Garcia, Edu Manzano, Agot Isidro, Tirso Cruz III, Rowell Santiago,, Albert Martinez, Jhong Hilario, Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Jolo Revilla, Ara Mina, Bobby Andrews, Alice Dixson, Jaime Fabregas, Ryza Cenon, Dawn Zulueta, Michel De Mesa, Mark Lapid, Lorna Tolentino, Richard Gutierrez, at marami pang iba.
Kabilang sa mga naging leady lady ni Coco sina Maja Salvador, Bela Padilla, at Yassi Pressman.
Kabilang naman sa mga naging guest stars sina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Judy Ann Santos, Vice Ganda, at ipa bang bigating mga aktor at aktres.
Ayon pa sa imga bulung-bulungan, papalitan din agad ito ng teleserye na ibabase naman sa 1986 film na ‘Batang Quiapo‘ na pinagbidahan din ni FPJ. Pagbibidahan din itong muli ni Coco.
UPDATE (March 4, 2021)
Itinanggi ng ABS-CBN ang napabalitang pagwawakas ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano sa susunod na buwan. Nakatakda silang maglabas ng official statement tungkol dito. Basahin dito ang kaugnay na balita: (Balitang pagwawakas ng ‘Ang Probinsyano’ sa susunod na buwan, fake news)