Sharon Cuneta sa mga celebrities na nagpapakalat ng fake news: “Ikinakahiya ko sila!”

Oh my God, ikinahihiya ko sila!

Ito ang naging reaksiyon ng Megastar na si Sharon Cuneta nang hingin ang opinyon niya tungkol sa report ng isang news organization na may ilang Filipino celebrities at influencers ang nagpapabayad diumano para magpakalat ng fake news.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

Ilang celebrities, ‘binayaran’ para magkalat ng fake news?

DJ Chacha, naghanap ng ebidensiya na nagpapakalat siya ng ‘fake news’

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Kasi kunwari pag artista ka, nung kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na presidente, o-offer-an ka nang milyun-milyon para sila endorsohin mo.

Ipinagmalaki pa niya na hindi siya kailanman nagpabayad kung ang paniniwala niya ang malalagay sa alanganin.

Parang sa endorsements, this is a well-known fact in the advertising industry. You can talk to anybody in any advertising company…

Marami aniya siyang tinaggihan na endorsement offers sa mga nakalapias na taon. Ito ay dahil hindi raw niya malunok na babayaran nga siya pero palpak ang produkto o serbisyo na ieendorso niya.

Pinanindigan niya na hindi matatanggap ng konensiya niya ang pag-eendorso ng mga produktong maaaring ikadismaya ng mga tagahanga niya.

Mas pinahahalagan aniya ang kaniyang kredibilidad na binuo at pinangalagaan niya ng maraming taon.

Kung pinatulan ko lahat ng endorsements na ‘yon, siguro doble na ‘yung naipon ko sa ipon ko ngayon.

Matatandaang nakilala si Sharon bilang isa sa may pikamaraming endorsements sa showbiz dati.

It’s the same thing with me, ang feeling ko, kung sa fake news.

Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it?

Ginagamit mo yung impluwensiya mo sa maling paraan para kumita.

Dagdag pa niya:

It’s despicable to me. It’s unacceptable to me.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!