PBB Connect: Ella is the latest evictee from the Big Brother house

Ang tinaguriang “Ra-kweentera ng Quezon” na si Ella Cayabyab ang napalabas ng bahay ni Kuya sa eviction night ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect kagabi, February 28.

Si Ella ang nakakuha ng mas mababang boto mula sa Kumu at text kung kaya’t siya ang tuluyang naging latest evictee sa PBB house.

Naging sobrang laki ng lamang ng boto ng isa pang nominated housemate na si Amanda Zamora.

Bago tuluyang napalabas ng bahay ni Kuya, nakaligtas muna si Ella ng limang beses sa mga naunang eviction night — bagay na nagpapatunay lamang ng tindi ng suporta ng kaniyang mga tagahanga.

Samantala, inianunsiyo rin kagabi ni Toni Gonzaga ang nalalapit na pagtatapos ng PBB Connect.

Mayroon na lamang natitirang dalawang linggo bago mapangalanan ang Big 4 at Big Winner para sa edisyong ito ng tinaguriang teleserye ng totoong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: