Malapit nang matapos ang taon ngunit marami pa ring nakalinyang sorpresa ang ABS-CBN.
Naging malupit man ang 2020 para sa Kapamilya network dahil sa sunod-sunod na dagok dulot ng COVID-19 at pagkakapasara nila dahil sa kawalan ng prangkisa, tila hindi naman sila bumitiw sa layuning makapaglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na mga TV shows.
Naipatigil man ang pagbo-broadcast sa free TV noong Mayo, unit-unti silang nakahanap ng paraan upang maipagpatuloy ang pagpapasaya sa mga Kapamilya.
Una silang nagbalik sa cable TV sa pamamagitan ng Kapamilya Channel. Sinundan ito ng online platform na Kapamilya Online Live at sa iba pang live streaming sa kanilang social media accounts. Pinakahuli nga ang kanilang partnership sa Zoe Broadcasting Network na naging daan upang makabalik ang ABS-CBN sa free TV sa pamamagitan ng A2Z Channel 11.
Nagsanib-pwersa din ang iWant at TFC (The Filipino Channel) para sa mas pinalakas na iWantTFC.
Ang mga ito ang naging tahanan ng ilang mga existing TV shows ng ABS-CBN at ng mga paparating bang mga bagong programa.
Narito ang listahan ng mga TV shows na inaasahang magsisimula ngayong paparating na taon.
INIT SA MAGDAMAG
Ang teleseryeng ito na pagbibidahan nina Gerald Anderson, JM De Guzman, at Yam Concepcion ay nagsimula na ng kanilang lock-in taping noong Oktubre.
HUWAG KANG MANGAMBA
Mula sa linya ng mga inspirational teleseryes gaya ng May Bukas Pa at 100 Days to Heaven, ang Huwag Kang Mangamba ay pagbibidahan ng The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Kyle Echarri.
24/7
Nagsimulang umere ang series na ito noong Marso at pansamatalang naitigil dahil sa pagpapatupad ng community quarantine sa bansa.
Sinasabing muling ipagpapatuloy ang kwentong ito sa susunod na taon.
Pinabibidahan ito nina Julia Montes, Arjo Atayde, Denise Laurel, at Joem Bascon.
HE’S INTO HER
Unang ipinalabas ang teaser ng series na ito noong November 2019.
Base ito sa Wattpad story na isinulat ni Maxine Lat Calibuso.
Bida rito sina Belle Mariano at Donny Pangilinan.
TANGING MAHAL
Ang teleseryeng ito na pagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay nakatakda sanang ipalabas nitong 2020, ngunit hindi rin natuloy dahil sa pandemya.
Inaasahang matutuloy na ito ngayong susunod na taon.
DARNA
Ilang beses mang naantala ang paggawa ng pelikula, tuloy na tuloy na ito bilang isang TV series ngayong susunod na taon.
Pagbibihan pa rin ito ni Jane De Leon bilang Darna/Narda.
EVERYBODY SING!
Nakatakda na ang premiere episode ng game show na ito ni Vice Ganda noong Marso subalit ipinagpaliban upang bigyang daaan ang community quarantine sa bansa.
Sinasabing ipagpapatuloy ito ngayong 2021.
PILIPINAS GOT TALENT Season 7
Sinasabing magkakaroon ng bagong season ang reality talent competition na ito sa susunod na taon.
IDOL PHILIPPINES Season 2
Isa rin sa pinaplanong programa para sa 2021 ay ang ikalawang season ng Idol Philippines.
Mukhang hindi paaawat ang Kapamilya network, may prangkisa man o wala.