Nadine Lustre, Idinemanda ng Viva Artists Agency

Ang sinasabing pagbabalewala ni Nadine Lustre sa kaniyang exclusive contract sa Viva Artists Agency (VAA) ang dahilan ng kaso laban sa kaniya sa Regional Trial Court ng Quezon City nitong Biyernes, December 11, 2020.

Ayon sa VAA:

The lawsuit was filed because, early this year, Nadine violated her valid and existing Agency and Management Agreement with VAA, by contracting independently with advertisers, promoters, and other third parties, in utter disregard of the exclusivity of her contract with VAA.

Thus, the case seeks, among others, to stop Nadine from continuously violating her Agency and Management Agreement with VAA and for Nadine to honor her contract.

Ayon pa sa kanila, si Nadine ay unang pumirma ng five-year contract noong taong 2009.

Na-renew ang kontratang ito noong 2014 para sa panibagong sampung taon o hanggang taong 2024.

Na-extend naman ito ng panibagong limang taon noong 2015 kaya aabot pa hanggang 2029 ang nasabing kontrata.

Paalala ng VAA:

Ms. Lustre should honor and respect the sanctity of contracts and that third parties are put on notice that any direct dealings with Ms. Lustre for her services as a performing artist or endorser shall be in violation of Ms. Lustre’s contract with VAA.

Maaalalang noong Enero ng taong ito ay naglabas ng press statement si Atty. Lorna Kapunan na tumatayong legal counsel ni Nadine tungkol sa pag-alis ng aktres sa VAA kahit na hindi pa natatapos ang kaniyang kontrata rito.

For the information of the public, Nadine Lustre is no longer a talent of Viva Artists Agency.

Consistent with her rights under the Civil Code of The Philippines, specifically Article 1920, she has decided to terminate her agency contract with Viva.

As of now, Nadine is self-managed and will continue to be so indefinitely.

She shall directly manage her affairs from now on, and bookings and inquiries may be directly addressed to her.

Samantala, matapos maglabas ng statement ang VAA ukol sa isinampang kaso laban kay Nadine, naglabas din ng statement ang kampo ni Nadine sa pamamagitan ni Atty. Kapunan:

We welcome the complaint and we are confident that the truth will come out about VAA being predatory, oppressive and abusive not only of Nadine but its many other talents.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: