Napabilang ang mga Kapamilya stars na sina Sarah Geronimo, Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Angel Locsin, at Kathryn Bernardo sa listahan ng Top 100 Digital Stars na inilabas ng Forbes Asia.
Binubuo ang listahan na ito ng mga singers, banda, movie at TV stars mula sa Asia-Pacific region na itinuturing na makapangyarihan at influential ang social media presence.
Ayon sa Forbes Asia:
We’ve given special focus to celebrities who, despite cancelled physical events and activities, managed to remain active and relevant, largely by using social media to interact with their fans, raise awareness and inspire optimism.
Many also used their influence to help worthy causes, especially those with a COVID-19 focus.
To determine the finalists,Forbes Asia evaluated the candidates’ combined social media reach and engagement.
We also considered their recent work, impact and advocacy, brand endorsements and business endeavors, and their recognition profile on a local, regional and global level. Only those active in film, music, and TV were eligible.
Napasama sa listahan ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas na si Sarah Geronimo dahil sa kaniyang blockbuster movie na Miss Granny na nagbigay sa kaniya ng Best Actress trophy mula PMPC Star Awards for Movies noong nakaraang taon.
Nabanggit din ang isang COVID-19 benefit concert kung saan lumabas sila ng kaniyang mister na si Matteo Guidicelli, na nakalikom ng “roughly $5 milion.”
Si Angel Locsin naman ang kinikilalang “second most popular Filipina celebrity on Facebook” dahil sa pagkakaroon nito ng 19 million followers.
Nabanggit din ng Forbes ang kaniyang top-rating primetime series na The General’s Daughter sa ABS-CBN, kung saan siya nanalo sa Star Awards for TV 2019 bilang Best Drama Actress.
Nabanggit din ang naging donasyon ni Angel na more or less Php 15 million ($310,00) sa nakalipas na dekada sa iba’t ibang causes. Ito rin ang naging dahilan ng pagkakasama niya sa Heroes of Philantrophy list noong 2019. Kamakailan lamang ay naging aktibo si Angel sa pagtulong sa mga medical workers na nakikipaglaban sa COVID-19.
Inilarawan naman si Anne Curtis bilang “the Philippines’ most popular Instagram celebrity” dahil sa pagkakaroon ng 16 million followers. Nabanggit din ang kaniyang endorsement deals sa ilang malalaking kumpanya gaya ng Jollibee, Louis Vuitton, at Pantene.
Ang Unkaboggable Phenomenal Star naman na si Vice Ganda na co-star ni Anne sa 2019 blockbuster movie na The Mall, The Merrier ay kinikilalang “one of the most popular male celebrities in the Philippines” dahil sa pagkakaroon ng 17 million followers sa Facebook.
Nabanggit rin ang pagkilala sa kaniya bilang Best Male TV Host sa PMPC Star Awards for TV.