We have been asked to leave the show.
Ito ang pahayag ni Janno Gibbs kaugnay sa insidente ng murahan na nangyari sa pagitan nila ni Kitkat na co-host niya sa Net25 noontime show na Happy Time.
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
RELATED STORIES:
Janno Gibbs, pinagmumura si Kitkat sa taping ng Happy Time?
Kitkat on issue with Janno Gibbs: “I choose to be the bigger person”
Janno Gibbs sa isyu ng pagmumura kay Kitkat: “I was provoked”
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Naglabas ng official statement si Janno para linawin ang kaniyang panig sa insidente at para na rin tapusin na ang issue na nagsahi ng pagkakatanggal nila sa noontime show.
Narito ang kabuuan ng kaniyang statement:
This statement is being written to put this matter to rest once and for all.
During live TV shows, and especially during game portions, it is usual for the hosts to challenge each other with playful exchange of words or teasing remarks to create more excitement, laughter and fun for the portion.
All along, I thought that we were having an innocent, comedic banter and that she was playing along, but apparently, she had taken it personally.
After she consecutively said several words against me, I was also affected and it made me react the way that I did.
A series of online posts were made that threatened me and my family. It really hurt me that even my family was dragged into this. In spite of this, I kept quiet and only replied once hoping the issue would die down.
I have apologized to my co-host and the management of the show. I have also publicly apologized. We have both been asked to leave the show.
My personal learning is to not react so publicly in situations like this whether on air or online. I have also learned to treat my co-workers with even more sensitivity.
I remain grateful to Net 25 for the opportunity to work for them. They have treated me well. And I will miss working with my brother, Anjo.
Samantala, bumwelta naman si Kitkat sa pamamagitan ng kaniyang Facebook account.
Dito niya idinetalye ang nangyari sa taping ng kanilang noontime show noong February 18.
Salungat sa naging alegasyon ni Janno, pinanindigan ni Kitkat na walang sapat na dahilan para murahin, duruin, at ipahiya siya ni Janno sa harap ng kanilang mga katrabaho.
Narito ang kabuuan ng kaniyang Facebook post:
Ginawa ko po ang dapat gawin. Sinabi ko lang ang totoong nangyari at bugso ng damdamin ko dahil nabastos po ako.Pinili kong huwag nang ilabas ang ibang nangyari off-cam.Opo, inaamin ko yung Pinakauna at “isa” ko lang na statement RIGHT AFTER ng nangyari ang lahat na ipina-delete din naman agad sa akin ng mga taong itinuturing kong dapat kong pakinggan. (Nag iisa at never ako nakipagsagutan after ng post ko ng Pagpapatawad)
Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin ang una kong post at kahihiyang inabot ko,kaya normal lang sa isang babaing tulad ko na napahiya at nabastos ang maglabas ng sama ng loob.Pero wala akong sinabi na hindi totoo.Natanggal ako sa afternoon show namin, sa dahilang di ko naiintindihan.Malamang dahil mas madali ang walang panigan kesa madamay pa ang hindi dapat nadadamay.Naiintindihan ko naman.Provoked? We were playing games, of course, “asaran” is part of the play. But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung ano ano at mambastos sa taong nagsasalita at yung magwawala were not part of the game …Play. Naglalaro tayo, Naglalaro.Napikon ka. Yan ang nangyari…Ako ang dapat napikon, pero hinayaan ko lang na madurog ako, mapahiya kahit di ko deserve dahil kailangan kong magpaka-professional sa harap ng camera.Paulit ulit mo akong Pinagmumura ng P.I sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya.Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito, isa lang yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo. Wag nang dahil babae ako, luma na yan. Pagkatao na lang.Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were ‘provoked”?Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo.Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo?Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari. Kung papano mo makikita yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam. Maraming nakakita, nakapanuod at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na yan sa katotohanan. Wala nang silbing ilaban ko pa sa yo yan.Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho. Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at Tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong Napatawad na rin kita.Sa management, Respeto at Pagmamahal pa din po ang deserve nyo.Mahal na mahal ko po kayo lahat dyan..But the decision to take me out wasn’t fair but I will take it.You should’ve just given me the dignity of letting me go when I asked to resign. But you opted to remove me after we had a talk and when all was supposedly ironed out already.Nagpaalam po ako na magpo-post ng pagpapatawad, and yun ang last post ko as in last, dahil getting ready na ako pumasok kinabukasan nang magaan ang loob nang dahil sa pagpapatawad na inayunan po ninyo.At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth.Salamat po sa lahat, Net25, sa mga natutunan at mga opportunities po, at sa mga nakatrabaho ko. Mahal ko po kayo with so much Respect…Malungkot man ang pagtatapos na ito, tuloy ang pag-ikot ng mundo, tuloy ang pag-ikot ng buhay at tuloy lang ang buhay nating lahat.This is the LAST time I am going to talk about this.
Maraming Salamat Po