Mas lalo pang lumalakas ang bulung-bulungan na malapit na ring mapanood ang Ang Probinsyano at iba pang ABS-CBN teleserye sa TV5.
Usap-usapan nga ngayon na tila ang buong primetime block naman ng ABS-CBN na tinatawag nitong Primetime Bida ang susunod na kakabilang-bakod bunga na rin ang partnership ng Kapamilya at Kapatid networks.
Sa ngayon, ang line-up na ito ay kinabibilangan ng Ang Probinsyano ni Coco Martin, Ang Sa Iyo Ay Akin nina Iza Calzado at Jodi Santamaria, Walang Hanggang Paalam nina Angelica Panganiban at Paulo Avelino, at Pinoy Big Brother Connect.
Marami kasi ang nakapansin nang biglang magbago ng line-up of programs ang TV5, particular na ang 8:00 to 10:00 PM timeslot nito tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Sa kasalukuyan ay mga pelikula ang napapanood sa oras na ito.
Ito ay napapabalitang timeslot na nakalaan sa ABS-CBN Primetime Bida sa oras na matuloy na ang panibagong blocktime agreement ng dalawang networks.
Una nang naging produkto ng kanilang blocktime agreement ang pag-ere sa TV5 ng ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King tuwing Linggo.
Hindi pa Summer mga Kapatid, pero magiging mainit ang dance showdowns at intense ang vocal collaborations sa ASAP natin 'to!
Kaya wag nang magpahuli at makisali na sa nag-iisang All-Star Sunday Afternoon Party, #ASAPonTV5!
📅 February 28, Linggo
⏰ 12 NN pic.twitter.com/dtJoWDV6Ar— TV5 (@TV5manila) February 26, 2021
Kung matutuloy ang karagdagang agreement, mas lalawak na ulit ang audience reach ng mga Kapamilya teleserye.
Sa kasalukuyan ay napapanood ang mga ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
Abangan natin ang magiging announcement kung matutuloy na nga ito soon.