Contestant na sang-ayon sa ABS-CBN shutdown, napilitan lang mag-sorry sa ‘It’s Showtime’?

I felt humiliated.

Ito ang binitiwang salita ni Kaloy Villaver, ang Tawag ng Tanghalan (TNT) contestant sa It’s Showtime episode kahapon, February 23.

Sa isang vlog sa kaniyang YouTube channel, ibinunyag ni Kaloy na hindi maganda ang naging karanasan niya sa noontime show.

Screenshot: YouTube | Kaloy Villaver

Bago pa man ang paglabas niya sa show kahapon, sentro na agad siya ng pamba-bash sa social media.

Una siyang nag-post sa kaniyang Facebook account upang humingi ng suporta sa kaniyang mga kababayan, kapitbahay, kamag-anak, at tropa.

Agad naman sumgot ang mga netizens matapos nilang mahanap ang mga lumang post ni Kaloy na sumusuporta sa pagpapasara ng ABS-CBN network.

Tinawag siya ng mga netizens na makapal ang mukha dahil ginusto pa rin nitong sumali sa ABS-CBN contest sa kabila ng kagustuhan nitong maipasara ang network.

Screenshot: Facebook | Manuel Villaver

Dahil sa naranasang pamba-bash, nag-post pa ulit siya ng mensahe sa kaniyang Facebook account:

People change, opinions change, places change. I change, you change. But memories are exception. Whatever you see in my past doesn’t always define my present. Relax! ✌🏼

Screenshot: Facebook | Manuel Villaver

At sa kaniyang pagsalang kahapon sa entablado ng TNT, naging sentro ng interview nina Vice Ganda at Kim Chiu sa kaniya ang naranasang pamba-bash sa social media.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

TNT contestant na pro-ABS-CBN shutdown, “nagisa” sa It’s Showtime

Kim Chiu, naiyak nang makaharap ang TNT contestant na gustong maipasara ang ABS-CBN

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Sinabi ni Kaloy na nag-deactivate na muna siya ng kaniyang Facebook account dahil dito.

Binigyan naman siya ng pagkakataon ng It’s Showtime hosts na magpaliwang ng kaniyang panig.

Dito niya sinabi na nadala lamang siya sa mga fake news na nababasa niya sa internet kaya’t naging sang-ayon siya sa pagpapasara ng network.

PHOTO: ABS-CBN | Its Showtime

Humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng nasaktan dahil sa kaniyang lumang Facebook post na ito.

Pagkatapos ng episode kahapon, muli siyang nag-post sa isa pang Facebook account na pagmamay-ari din niya base sa profile nito.

Ang sabi niya:

Sa nakarinig ng interview, may narinig ba kayo na nabanggit ko about my President Duterte?

Screenshot: Facebook | Dudoys Driedfish

Tila ang pinatutungkulan nito ay ang nangyaring interview sa kaniya sa singing competition.

Agad ding nawala at nabura ang Facebook post na ito sa hindi pa malinaw na dahilan.

Maagap din ang mga netizens sa pag-screenshot sa mga ilan pang mensahe na nai-share sa pamamagitan ng nasabing Facebook account.

Screenshot: Facebook | Dudoys Driedfish
Screenshot: Facebook | Dudoys Driedfish

Tila may pahaging pa rin ito sa naranasan niya sa pagsali sa TNT.

At sa ini-upload nga niyang YouTube vlog, ikinwento niya ang sinasabi niyang pagpakahiya sa show at sinabi rin niyang hindi ang paghingi ng tawad ang pangunahing dahilan ng kaniyang pagsali dito.

Muli tuloy nagkomento ang mga netizens na tila kinumpirma niya ang opinyon ng mga viewers na hindi bukal sa loob ang ginawa niyang paghingi ng paumanhin.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!