I don’t think your capacity to be a leader is determined by your gender.
Ito ang binitiwang salita ni Catriona Gray nang tanungin siya tungkol sa opinyon niya sa naging pahayag ni President Rodrigo Duterte na hindi trabahong pambabe ang pagkapangulo ng bansa.
Sa isang interview kay G3 San Diego, prangkang nagbigay ng saloobin ang Miss Universe 2018.
Dagdag pa niya:
A leader is defined by the capabilities, skills and talents that you have, your experience, your character.
I think all of those play part to be a good leader. It is not dependent on one’s gender at all.
Matatandaang binitiwan ni President Duterte ang pahayag matapos manguna sa isang survey sa pagkapangulo ang anak na si Sarah.
Una nang nagbigay ng saloobin tungkol dito ang reigning Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.