Kitkat on issue with Janno Gibbs: “I choose to be the bigger person”

Maayos na ang gusot sa pagitan nina Kitkat at Janno Gibbs.

Ito ay ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ngayong gabi, February 23.

Matatndaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang hosts ng NET25 noontime show na Happy Time.

Nangyari ito sa taping ng kanilang programa noong Huwebes, February 18.

Pinagsisigawan at pinagmumura umano ni Janno si Kitkat matapos itong mapikon sa isang segment ng show kung saan guest si Marco Sison.

Nahantong ito sa pagwo-walk out daw ni Janno kung kaya’t mag-isang tinapos ni Kitkat ang taping ng kanilang show.

Sa kumpirmasyon ni Kitkat sa PEP ngayong gabi, inamin nito na bagama’t mabigat sa dibdib ay mas pinili niya ang magpatawad.

Dagdag pa niya:

Mabigat pa din. Nung una, naisip ko si Ate Cherry Pie, siya, pinatay ang nanay niya pero nagawa niyang magpatawad.

I grew up na pinapahalagahan ang word of God at sagrado Katoliko kami at lumaking may takot sa Diyos.

Kaya humawak ako ng Bible at I choose to be the bigger person.

Kimupirma rin niya na totoong nagngyari ang unang napabalita na pagmumura ni Janno sa kaniya.

Totoo naman lahat ang nangyari. Nasaktan ako nang sobra, galit pamilya ko.

Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad?

Everybody needs a second chance kahit sabi ng iba na ilang chance na ‘yan kay Kuya Janno.

Sa kaniyang Facebook account, nagpasalamat si Kitkat sa lahat ng nagmamahal sa kaniya lalo na sa mga kaibigan at mga netizens na nagpahayag ng suporta sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: