Kim Chiu, naiyak nang makaharap ang TNT contestant na gustong maipasara ang ABS-CBN

Ganito pala ‘yung feeling. Ngayon kaharap ko… Kababayan ko pa.

Hindi napigilan ni Kim Chiu ang maging emosyonal sa interview portion ng Tawag ng Tanghalan (TNT) sa It’s Showtime kanina, February 23.

Iba lang ‘yung pakiramdam na tayong mga Kapamilya, yung mga taong nagsasabi ng ‘YES TO ABS-CBN SHUTDOWN’ pinapatuloy pa rin natin sila dito para ipakita yung talento at tuparin ang mga pangarap nila.

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Kasama si Vice Ganda, in-interview nila ang TNT contestant na si Kaloy Villaver na una nang na-bash sa Twitter noong nakaraang linggo.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORY:

TNT contestant na pro-ABS-CBN shutdown, “nagisa” sa It’s Showtime

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Matapos kasing mag-post sa Facebook si Kaloy upang humingi ng suporta sa pagsali nito sa TNT, lumutang ang screenshots ng lumang post nito na tahasang nagpapahayag ng suporta sa pagpapasara ng ABS-CBN network.

PHOTO: Facebook | Manuel Villaver

Sa panig naman ni Vice, sinabi nitong nais niyang mas maunawaan kung bakit nasabi ni Kaloy ang ganoon.

Katwiran pa niya:

Everybody deserves a chance, just like you and ABS-CBN. Everybody is deserving of all the chances.

Nagpaliwanag naman si Kaloy at sinabing tila nadala lamang ito sa mga nababasang fake news sa paligid.

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Humingi na rin ito ng paumanhin at nagsabing:

From the bottom of my heart, I would like to say sorry to everybody… Talagang hiyang-hiya po ako. Dahil ‘yung pamilya ko, ‘yung asawa ko, nada-drag na rin sa isyu because I’m being tactless and I’m being careless about what I post, what I say. Kaya I took down my account. I deactivated my account because I don’t wanna drag everybody with my carelessness.
I apologize to everybody who gave me a chance na marinig ‘yung story ko—my story of change, my story of hope. I would like to thank and apologize to everybody, on behalf of the people who did the same thing. I would like to apologize to you, guys.
Kapansin-pansin din ang pagiging emosyonal ng ilan pang It’s Showtime hosts at staff na nasa studio.
PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime
PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: