Netizens, hati ang opinyon sa rebelasyon ni Regine Velasquez

Naging trending topic sa social media ang rebelasyon ni Regine Velasquez tungkol sa isang encounter niya sa American pop and R&B group na 98 Degrees.

PHOTO: GMA-7 | S.O.P.

Lumutang din muli ang video ng tinutukoy niyang performance niya at ng grupo sa GMA-7 Sunday musical variety show na S.O.P.

Sa isang interview, naikwento ni Regine ang aniya’y “pagyayabang” at “pagsasalbahe” ng vocalist ng grupo na si Nick Lachey.

At dahil sa inis, nagdesisyon siyang itodo ang high notes para matabunan at hindi na marinig sa stage ang vocalist ng grupo.

PHOTO: GMA-7 | S.O.P.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORY:

Regine Velasquez, ‘kinain sa stage’ si Nick Lachey ng 98 Degrees

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Magkahalo ang naging reaksiyon ng mga netizens tungkol sa rebelasyong ito ng Songbird.

Ayon sa ilan, ‘deserve’ daw ni Nick ang nangyaring ‘pangangain sa stage’ ni Regine sa nsabing performance.

May ilang din namang nagsabi na sana’y mas naging professional ang Songbird sa kanilang performance dahil guests naman ang grupo sa kaniyang TV show.

Basahin ang ilan pa sa komento ng mga netizens.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!