Janno Gibbs, pinagmumura si Kitkat sa taping ng Happy Time?

Usap-usapan ngayon ang sinasabing insidente ng pagmumura umano ni Janno Gibbs kay Kitkat na co-host nito sa noontime show na Happy Time.

Ayon sa kumakalat na kwento, nangyari raw ito sa taping ng nasabing Net 25 noontime show sa studio ng Eagle Broadcasting Corporation noong Huwebes, February 18.

Ayon sa artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP, sinabi raw ng source na masakit at malutong na mura na may kasama pang panduduro diumano ang natanggap ni Kitkat mula kay Janno.

At dahil sa taping nga ito, recorded on tape daw ang buong insidente.

Sa segment ng show na “Kantanungan” kung saan celebrity contestant ang beteranong mang-aawit na si Marco Sison daw naganap ang insidente.

Napikon diumano si Janno at inisip nitong kinakampihan ni Kitkat si Marco.

Dito na diumano nagsimulang magalit at sumigaw si Janno.

Maliban sa paninigaw, bigla rin daw nagpaulan ng malulutong na mura si Janno kay Kitkat.

Dinuro rin diumano ni Janno si Kitkat habang palakad-lakad sa stage kahit na kaharap pa ang guest na si Marco at ang iba pang mga tao na nasa loob ng studio.

Ibinalibag din daw nito ang hawak na microphone bago tuluyang nag-walk out.

Napahagulogol na lamang daw si Kitkat dahil sa insidente.

Sa kabila ng nangyari, maayos na tinapos mag-isa ni Kitkat ang taping ng nasabing episode.

Nagkataon din kasi na absent si Anjo Yllana na co-host din nila sa programa.

Sa ngayon daw ay nakikipag-usap na si Kitkat sa kaniyang abogado dahil balak nitong magsampa ng kaso laban kay Janno.

Samantala, tila idinaan din ni Kitkat sa isang cryptic post sa Instagram ang tungkol sa nasabing pangyayari.

PHOTO: Instagram | Kitkat

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: