Mariel Rodriguez, ipinahiya at sinigawan si Ivana Alawi?

Ilang araw matapos ang rebelasyon ng YouTube sensation na si Ivana Alawi sa kaniyang vlog tungkol sa isang hindi makakalimutang celebrity encounter, patuloy pa rin ang mga netizens sa panghuhula kung sino ang tinutukoy niyang TV host.

Wala akong nakaaway. Merong nang-away sa akin.

Ito ang naging sagot ni Ivana sa tanong kung mayroon na ba siyang nakaaway na kapwa-artista.

Idinetalye niya sa kaniyang vlog ang nasabing pangyayari.

Nakaupo lang ako sa dressing room. Marami kami doon kasi parang sama-sama kami sa dressing room na ‘yun. So ‘yung kasama kong PA (personal assistant) lumabas siya kasi hindi na siya kasya ‘dun sa dressing room namin.

And kailangan lagi siyang malapit sa akin, kasi siyempre kapag may kailangan ako, kapag magbibihis, yung mga ganun.

Lumabas siya tapos may nakita siyang upuan doon sa labas. Nagpaalam naman siya dun sa tao sa loob.

Sabi niya, ‘Pwede bang makiupo lang…’ para malapit siya sa akin. As in tapat lang kasi siya.

So, sabi nung tao sa loob, ‘Oo naman, sige upo ka.’ So, umupo lang siya dun.

At dito na nga nangyari ang hindi niya inaasahan.

Hindi pa kami nagsisimula nito, so nag-antay lang ako doon. Nakaupo ako dun. Tapos biglang may sumugod na batikang host.

Lagi ko siyang pinapanood nung bata ako kaya idol na idol ko siya noon. Tapos nung nakita ko, parang napangiti ako. Tapos parang pinagsisigawan niya ako dun sa dressing room sa harap ng ibang artista. Parang sabi ko, ‘Hala!’

Nabigla man siya sa nangyari, paulit-ulit daw siyang humingi ng paumanhin sa host.

Tapos parang naaalala ko yung reaction ko noon, ‘Sorry po, sorry po!’ As in sorry ako nang sorry. Sobrang naano kasi parang sa harap ng ibang artista. Sobrang pinapahiya ako, as in!

Ayon sa kaniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naiintindihan kung ano ang pinagmulan ng galit ng TV host sa kaniya.

Kasi wala naman talaga akong ginawang mali, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako yung pinuntahan doon at pinagsisigawan sa harap ng ibang artista.

Sana kinausap na lang niya ako na, ‘Uy Ivana, alam kong bago ka sa ganito. Pero bawal ‘yang ganyan.’

Pero wala na akong hard feelings, naka-move on na ako.

Hindi pinangalanan ni Ivana ang nasabing TV host ngunit nag-iwan siya ng clue na nagsisimula ang pangalan nito sa letter M.

Naging mabilis ang mga netizens sa panghuhula at pagsasabi na si Mariel Rodriguez ang nakaengkwentro ni Ivana.

As of this writing, wala pa ring reaksiyon si Mariel tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: