Biruin mo umpisa pa lang, nagmamagaling! Baklang ito. Humanda ka sa akin, hindi ka na maririnig!
Ito ang ikinuwento ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa online show na Brightwin Ninangs Live! noong February 19.
Binalikan ni Regine ang naging encounter niya sa American pop and R&B group na 98 Degrees, partikular ang vocalist nito na si Nick Lachey.
Taong 1999 nang dumalaw sa bansa ang nasabing grupo at naging guests ang mga ito sa defunct GMA-7 Sunday musical varitey show na S.O.P. kung saan isa sa main hosts si Regine.
Sa nasabing interview, inilarawan ni Regine si Nick bilang “salbahe” at “nuknukan ng yabang.”
Iyang si Nick Lachey, nuknukan ng yabang. Nuknukan ng yabang! But the other guys are really cool.
Ang ibang miyembro ng grupo ay sina Jeff Timmons, Drew Lachey, at Justin Jeffre.
Sa guesting ng grupo sa S.O.P. ay nakasama nila sa pagkanta ng hit song nilang “The Hardest Thing” si Regine.
Iyong Nick Kachey, ang salbahe!
Hindi naging malinaw ang dahilan kung bakit at paanong naging salbahe si Nick kay Regine dahil hindi na siya nagbanggit pa ng ibang detlaye.
Kinain ko talaga siya! Kasi minsan hindi naman ako nangangain, di ba, relax-relax lang. Eh, iyong kanta nila, ang taas, eh.
Naikwento rin ni Regine ang “pagmamagaling” daw nito sa rehearsal pa lamang nila.
At dahil sa inis, binawian niya ito at itinodo ang high notes sa kanilang performance.
Dagdag pa niya:
Nainis ako kasi parang, ‘Bakla, nasa country ka namin, ha. Huwag kang umarte-arte diyan.
Samantala, naging maagap ang mga netizens sa “paghuhukay” ng video ng nasabing S.O.P. performance.
RV on Nick Lachey: Nuknukan ng yabang… humanda ka talaga saken, di ka maririnig
Hahahahhahaapic.twitter.com/dq91Meqptb
— Thierry (@electroedge) February 19, 2021
Ano ang masasabi mo tungkol dito?