Ang tinaguriang Brainy Balikbayan ng Laguna na si Quincy Villanueva ang pinakahuling evictee ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect.
Sa naganap na 9th eviction night kagabi, February 21, si Quincy ang nakakuha ng pinakamababang combined votes mula sa Kumu at text votes.
At dahil dito, siya ang tuluyang napalabas ng bahay ni Kuya.
Kabilang sa mga nominado sina Ella, Kobie, at Ralph.
Patuloy na napapanood ang PBB Connect sa free at digital TV (A2Z Channel 11), cable (Kapamilya Channel), live streaming (Kapamilya Online Live, Kumu), at on-demand streaming (iWantTFC).