Jhong Hilario, wagi sa unang linggo ng Your Face Sounds Familiar

Ang Sample King na si Jhong Hilario ang nanalo sa unang linggo ng nagbabalik sa ere na Your Face Sounds Familiar (YFSF).

Ang YFSF ang itinuturing na pinakabonggang celebrity impersonation competition sa buong mundo.

Walong celebrity contestants ang linggo-linggong maglalaban sa impersonation ng mga kilalang music personalities sa buong mundo.

Sa unang linggo ay nag-perform si Jhong bilang si Apl.De.Ap ng Black Eyed Peas kung saan kinanta niya ang Bebot na nagpabilib sa mga celebrity judges.

Nagbabalik bilang mga hurado sa kompetisyon sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid.

PHOTO: ABS-CBN

Samantala, pumalit naman kay Billy Crawford bilang host si Luis Manzano.

Kasali rin bilang performers sina Geneva Cruz, Christian Bables, Klarisse De Guzman, Lie Reposposa, CJ Navato, Vivoree, at ang iDolls.

Nagbabalik rin bilang mentors sina Jed Madela at Nyoy Volante.

Mapapanood ang YFSF tuwing Sabado (8:00 PM) at Linggo (7:30 PM) sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, at iWantTFC.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: