Janus Del Prado, nilayasan na rin ang Star Magic

Pagkatapos ng mahigit dalawang dekada, nagdesisyon na ang aktor na si Janus Del Prado na lisanin ang talent management arm ng ABS-CBN — ang Star Magic.

Sa kaniyang Instagram post ngayong araw, February 19, ibinahagi niya ang desisyon na huwag nang i-renew ang kaniyang kontrata na nakatakdang mag-expire sa susunod na buwan. Mas pinili na lamang niya na maging freelancer.

Narito ang kaniyang buong paliwanag.

Thank you Star Magic (Talent Center) for making me a part of your family for more than 2 decades (21 years). From when I was just 15, training to be one of your talents in Star Circle Batch 9 (which I am) to ‘Gmik,’ ‘Qpids,’ etc., to now that I’m 36 years old doing tito roles.

Next month, my management contract with you may end but not my support and love for the whole Star Magic family. I will always and forever be grateful. It has been one hell of a ride. Till we meet again.

Noong taong 2000, naging miyembro si Janus ng Batch 9 ng Star Circle. Kasabayan niya sina Coco Martin, Alwyn Uytingco, Rafael Rosell, at Heart Evangelista.

Nakilala  at tumatak siya sa kaniyang role sa Star Cinema movie na One More Chance bilang kaibigan nina Popoy at Basha na ginampanan naman nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: