Hindi kaila sa publiko ang pagkalugi ng ABS-CBN network sa nakalipas na mga buwan. Maliban sa pandemyang COVID-19, direktang naramdaman ng Kapamilya network ang epekto ng pagkakapasara nila dulot ng kawalan ng prangkisa na ipinagkait sa kanila ng kongreso.
Isa nga sa epektong ito ay ang malawakang retrenchment ng mga empleyado ng kumpanya noong Agosto.
Ngunit sa kabila ng pagkalugi at shutdown ng network, hindi pa rin nakalimutan ng ABS-CBN na gumawa ng paraan upang iparamdam sa kanilang mga empleyado ang espiritu ng pagiging Kapamilya lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. Kabilang na rin dito pati ang mga former employees nila.
Sa Twitter idinaan ni Janyx Regalo (@janyxregalo) ang pasasalamat sa ABS-CBN na hindi nakalimot na magbigay ng holiday surprise gift sa kanilang mga retrenched employees.
Despite being harassed by the state and franchise got denied , ABS-CBN didn't forget us, the retrenched talents this Christmas. A surprise holiday cash gift came early. Salamat, Kapamilya!
— Janyx Regalo (@janyxregalo) December 6, 2020
Umani ito ng papuri mula sa ilang netizens sa Twitter.
Pagpalain ang management. Hindi dapat layasan (ie. Mag-resign) sa mga ganitong employer. https://t.co/9lwCf9hLt5
— JosΓ© (@jpeb) December 6, 2020
Kabilang sa mga nagkomento ang director-comedian na si John Lapus at ang ABS-CBN reporter na si Jeck Batallones.
Sobra! Iyak ako ng iyak. Salamat po @ABSCBN πππ₯°ππͺπ€© https://t.co/fvNsgGemtC
— John Lapus (@KorekKaJohn) December 7, 2020
β€οΈππ forever https://t.co/uwXmas106G
— jeck batallones (@jeck_batallones) December 6, 2020
Isa rin si Liah Moises (@leeeeyaaaah) sa mga retrenched employees na idinaan sa social media ang pasasalamat sa Kapamilya network. Nakakatawa aniya dahil sinasabing ang hindi magandang pagtrato ng ABS-CBN sa kanilang mga empleyado ang isa sa dahilan kung bakit hindi nai-renew ang prangkisa ng network. Subalit taliwas ito sa personal niyang nararanasan ngayon. Sa katunayan, maaga niyang natanggap ang kaniyang Christmas bonus at incentives kahit na noong August pa siya nawalan ng trabaho.
Ughhh, I can't thank ABS-CBN enough. Nakatatawa lang kasi one of the reasons kaya ito pinatigil dahil "daw" sa trato nito sa kanyang empleyado. Pero look at us having our separation pay plus Christmas bonus and incentives even though since no'ng August pa kami retrench. ππ pic.twitter.com/w3FoUYbW0g
— Liah Moises (@leeeeyaaaah) November 27, 2020
Isa rin si DJ Jhaiho sa nagpahayag ng pasasalamat sa ABS-CBN at nagsabing ibang klaseng magmahal ang network.
Grabe ka magmahal ABS-CBN! Maraming maraming Salamat β€οΈππ ππ»ππ»ππ» woohooooo π―π―π―ππ»ππ»ππ»ππ»ππ»ππ»
— DJ Jhaiho (@mor1019jhaiho) December 4, 2020
Ikinwento naman ni chxnqzn (@chxnqzn) ang kaniyang pasasalamat na may pumasok na cash gift sa kaniyang account kahit na hindi naman araw ng sweldo.
ABS-CBN was shutdown twice this year. Billions of losses over ads, endorsements, investors who pulled out. But today, not a payday, I woke up with a payslip in my email. May pumasok na cash gift. Salamat, Kapamilya π ABS-CBN the gift that keeps on giving
— chxnqzn (@chxnqzn) December 4, 2020
Isa rin si Alex Calleja (@alexcalleja1007) sa nagpasalamat na sa kabila ng mga pinagdadaanan ng ABS-CBN ay nagagwa pa rin nitong maging mapagbigay.
How can you not love a company that still gives no matter what the situation is! Salamat ABS-CBN πππ#KapamilyaForever
— Alex Calleja (@alexcalleja1007) December 4, 2020
Ipinagmalaki naman ng ABS-CBN reporter na si Jervis Manahan (@JervisManahan) sa kabila nga ng pagpapasara ng network ay nagawa pa rin nitong mamahagi ng 14th month pay.
ABS-CBN, despite the shutdown, still gave us our 14th month. Grateful. β€οΈππ
— Jervis Manahan (@JervisManahan) December 7, 2020
Ibinahagi naman ni Jon Montesa (@iMelAljon) ang screenshot ng kaniyang mensahe para sa kaniyang ina noong ipinaalam niya rito na huling araw na ng kaniyang trabaho sa ABS-CBN noong August 31. Kasunod ito ng screenshot ulit ng kaniyang message sa ina kung saan niya sinabing babalik na ulit siya ng trabaho sa ABS-CBN matapos ang mahigit tatlong buwan.
God's way of reminding me that he's more powerful than 70 congressmen. Unti-unti, #BabalikDinAngABSCBN.
How it started How it's going pic.twitter.com/2XnTyG97XO
— ππ π ππ ππ₯ππ€π β€ππ (@iMelAljon) December 5, 2020
Umani ang tweet niyang ito ng positibong komento mula sa mga ABS-CBN supporters.
God is indeed more powerful than all them combined.
Congrats! Happy for you. https://t.co/bpFjK6UkHo
— Princess Spark β€οΈππ (@PrincessSpark3) December 6, 2020
happiness for people getting their jobs back https://t.co/AHRkurLKvU
— von zander (@vnzndr31) December 6, 2020
Nakakatuwa! Tuloy tuloy na yan.πbasta Walang susuko at walang bibitaw!! β€ππ#BabalikDinAngABSCBN https://t.co/Geit4Zb7Vw
— Rea (@rearea0212) December 6, 2020
Maraming tagasuporta ng ABS-CBN ang nagsabing maaaring senyales na ito ng unti-unting pagbangon ng network mula sa pagkakapasara sa kanila ngayong taon.
Matatandaang tinutulan ng 70 congressmen ang francise renewal ng ABS-CBN, at ito ang ang naging dahilan ng pagpapatigil ng pag-ere ng network sa free TV.