Liza Soberano-Bright Vachirawit movie, coming soon?

Kamakailan lamang ay isiniwalat ng ABS-CBN Films Managing Director na si Direk Olivia Lamazan na mayroong nilulutong pelikula para kina Bright Vachirawit at Win Metawin na mas kilala bilang BrightWin.

Nakilala at sumikat ang dalawang Thai actors sa kanilang Boys’ Love (BL) series na 2gether: The Series na ipinalabas din sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo.

2gether: The Series

Samantala, sa YouTube vlog naman ni Ogie Diaz kahapon, January 29, ay tila nadulas ito sa pagkukwento sa susunod na proyekto ng mga alagang sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kinumpirma nito na nananatiling Kapamilya ang real-life couple na LizQuen.

Kabilang sa mga nakalinyang proyekto para sa dalawa ang isang teleserye at isang pelikula para ngayong 2021.

Nabanggit din nito na pansamantala ring susubok ang dalawa na gumawa ng magkahiwalay na proyekto sa labas ng kanilang tambalan.

Isa na nga rito ang Star Cinema movie na pagtatambalan ni Liza at ng Thai actor na si Bright Vachirawit.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye ang manager ng aktres dahil ayaw daw niyang pangunahan ang Star Cinema tungkol dito.

Abangan na lang natin ang susunod na mga announcement ng ABS-CBN at Star Cinema tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: