Netizens to Liza Soberano: “May pila po tayo”

Hi @lizasoberano, I’ve heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that.

Ito ang tweet ng Thai actor na si Luke Plowden kung saan naka-mention ang aktres na si Liza Soberano.

Binanggit ni Luke ang tila pagkakahawig nga nilang dalawa — bagay na pinapansin daw ng ilang mga Pinoy na tagahanga.

Agad namang dinumog ng mga fans ni Liza ang comment section ng tweet na ito ng Thai actor.

Ilan dito ang pabirong nagsabi na may pila raw para kay Luke at dapat daw na pumila rin ang aktres.

Marami rin sa mga komento ang sumang-ayon na magkahawig nga ang dalawa at pupwedeng mapagkamalang magkapatid.

Di naman nagtagal ay ni-reply-an na rin ni Liza ang tweet ng aktor.

Hello long lost brother!

Muli ring nag-reply si Luke kay Liza.

Nice to finally meet you, twin sister.

Ano sa tingin ninyo? Magkahawig nga ba sila?

Narito ang ilan pang larawan ng Thai actor na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: