My reaction was—Ganda ng move nila, ng ABS-CBN. Ganda ng move. ‘Tsaka ang bilis nila. Congratulations!
Ito ang naging reaksiyon ni Johnny Manahan o Mr. M sa naging partnership ng ABS-CBN at TV5.
Dahil sa partnership na ito, nagsimula na kahapon, January 24, ang pagpapalabas ng ASAP Natin ‘To sa TV5.
Ang nasabing show ang pumalit sa nabakanteng timeslot ng Sunday Noontime Live (SNL) na dating show ni Mr. M sa TV5.
Matatandaang si Mr. M din ang naging direktor ng ASAP Natin ‘To mula nang i-launch ito noong 1995 hanggang sa mag-resign siya sa ABS-CBN noong 2020.
Kasama niyang lumipat sa bagong show na SNL ang mga dating mainstays ng ASAP na sina Piolo Pascual at Maja Salvador.
Makalipas ang tatlong buwan, kinansela na nga ang SNL ng Brightlight Productions na siyang producer nito at blocktimer sa TV5.
At mukhang biglaan nga ang naging desisyon na ASAP Natin ‘To ang ipalabas sa nabakanteng timeslot nito.
Base sa ilang reports, pati ang mga hosts at staff ng programa ay nagulat dahil nakahanda na sila para sa rehearsals para sa show.
Mukhang hindi rin naitago ni Mr. M ang pagkadismaya tungkol dito.
It left a bad taste in my mouth dahil dun sa producer namin.
Ang unang usapan daw nila ni former Cong. Albee Benitez na may-ari ng Brightlight Productions ay tatakbo ng anim na buwan o dalawang seasons ang SNL.
= = = = = = = = = = = = = = =
RELATED STORIES:
#ASAPasONE, trending sa pagsisimula ng ABS-CBN at TV5 partnership
It’s Showtime, mapapanood rin sa TV5 kapalit ng Lunch Out Loud?
Balik-ASAP nga ba ang former Kapamilya stars?
= = = = = = = = = = = = = = =
Taliwas ito sa nangyari na pagkansela sa show matapos lamang ang tatlong buwan nito sa ere.
Dagdag pa ni Mr. M, hindi mana lamang sila nabigyan ng pagkakataon na makapagpaalam sa show dahil replay na ang ipinalabs na huling episode nito.
Sinubukan pa niyang umapela sa TV5 para magkaroon ng isang final episode “para makapag-goodbye lang.”
Hindi na nga ito nangyari dahil sumalang na agad ang ASAP Natin ‘To nang sumunod na linggo.