We’re doing just fine…
Ito ang naging reply ni KC Montero sa tweet ng isang netizen nang mapag-usapan ang napapabalitang pagkakasibak sa ere ng Lunch Out Loud (LOL).
Ang LOL ay ang noontime show ng Brightlight Productions na napapanood sa TV5, kung saan isa si KC sa mga main hosts.
Kasama niya dito sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agabayani, K Brosas, Wacky Kiray, at Macoy Dubs.
Unang lumutang ang tsismis ng pagkakasibak sa ere ng kanilang show matapos mapansin ng mga netizens na “BEST OF” na lamang ang ipinalabas nila noong Sabado, January 23.
Replay o compilation na lamang ito ng pinakatumatak o pinakapumatok na past episodes nila.
= = = = = = = = = = = = = = =
It’s Showtime, mapapanood rin sa TV5 kapalit ng Lunch Out Loud?
ABS-CBN & TV5 partnership, kasado na?
#ASAPasONE, trending sa pagsisimula ng ABS-CBN at TV5 partnership
= = = = = = = = = = = = = = =
Tanong tuloy ng ilang netizens, magagaya ba ang kapalaran ng LOL sa nangyari sa dating Sunday musical variety show ng TV5 na Sunday Noontime Live (SNL)?
Ang Brightlight Productions din kasi ang producer ng SNL.
Kinansela ang SNL dahil umano sa pagkalugi nito at ang kalabang show na ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN na ang napanood sa dating timeslot nito kahapon, January 24.
Dahil sa partnership na ito ng ABS-CBN at TV5, umugong ang balita na maaaring pati ang ibang Kapamilya shows ay mapapanood na rin sa TV5.
Kasama na nga rito ang katapat na noontime show ng LOL na It’s Showtime nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, at iba pa.
Sa Twitter nga ay naging usap-usapan na ang posibilidad na ito, bagay na itinanggi ni KC.
Nope.. we’re doing just fine. Back to normal on Monday
— KC Montero (@KCMontero) January 23, 2021
Nope
— KC Montero (@KCMontero) January 24, 2021
Nope
— KC Montero (@KCMontero) January 24, 2021
Wala pa rin namang official statement o kumpirmasyon tungkol dito mula sa Brightlight Productions, TV5, at ABS-CBN.
Abangan na lang natin kung ano ang posibleng mangyari.