PBB Connect: Haira is the 5th evictee

Sa resulta ng 5th eviction night ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect kagabi, January 24, ang tinaguriang Makatang Marikit ng Pangasinan na na si Haira Palaguitto ang naging latest evictee.

Sa mga nakalipas na eviction night, una nang napalabas ng bahay ni Kuya sina Justin Dizon, Russu Laurente, Mika Pajares, at Crismar Menchavez.

PHOTO: ABS-CBN

= = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

PBB Connect: Crismar, out; 2 new girl housemates, in

PBB Connect: Mika, out; Amanda, in

PBB season 1 housemates, nasaan na sila ngayon?

= = = = = = = = = = = = = = =

Sa tally ng total scores, si Haira ang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa pinagsamang text votes at Kumu.

Kasama niyang nominado sina Aizyl Tandugon, Ella Cayabyab, at Kyron Aguilera.

PHOTO: ABS-CBN

Sinalubong siya ng mga PBB hosts na sina Robi Domingo at Bianca Gonzales sa kaniyang paglabas ng PBB house.

Nang tanungin siya kung ano ang pinakamahalagang leksyon ang natutunan niya sa loob ng bahay ni Kuya, ito ang kaniyang naging sagot:

Pinaka-importanteng lesson na natutunan ko ay ‘yong huwag sumuko kahit na alam mo sa sarili mo na hindi mo na kaya ‘yong mga hamon na binibigay sa buhay mo. Pananatilihin mong isipin na kaya mo kahit ang daming hadlang, lagi mong tatandaan na walang binibigay ang Diyos na hindi mo kaya lagpasan.

PHOTO: ABS-CBN

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: