#ASAPasONE, trending sa pagsisimula ng ABS-CBN at TV5 partnership

Sa unang pagkakataon ay napanood na rin ang longest-running ABS-CBN musical variety show na ASAP Natin ‘To sa TV5.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang masorpresa ang mga Kapamilya fans sa official announcement ng partnership ng ABS-CBN at TV5.

At ngayong araw, January 24, ay iniere na rin sa TV5 ang ASAP Natin ‘To bilang kapalit ng Sunday Noontime Live (SNL).

Ang SNL ay ang dating musical variety show na pinangunahan ng mga former ASAP Natin ‘To mainstays na sina Piolo Pascual at Maja Salvador. Ito rin ang nilipatan ng dating ASAP director na si Johnny Manahan o Mr. M.

= = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

ASAP Natin ‘To: Kapamilya na, Kapatid pa

It’s Showtime, mapapanood rin sa TV5 kapalit ng Lunch Out Loud?

Balik-ASAP nga ba ang former Kapamilya stars?

= = = = = = = = = = = = = = =

Pasabog ang opening number ng ASAP Natin ‘To na pinangunahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Kapansin-pansin na present din ang cast ng ilang Kapamilya shows gaya ng Magandang Buhay, Bagong Umaga, Ang Sa Iyo ay Akin, at It’s Showtime.

Isa rin kaya itong pahiwatig na matutuloy na ang usap-usapan na mapapanood na rin ang ilan pang Kapamilya shows sa TV5 sa mga susunod na araw?

Samantala, multiple trending topics ang ASAP Natin ‘To sa Twitter.

Narito ang ilan sa tweets tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: