Kris Aquino, hindi basta-basta susuko sa kaniyang karamdaman?

Naniniwala ang showbiz columnist na si Lolit Solis na palaban ang TV host-actress na si Kris Aquino.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ng kolumnista na buo ang paniniwala niya na ‘born fighter’ si Kris.

RELATED STORIES:

Ito ay kasunod ng rebelasyon ng kapatid ni Kris na si Ballsy Aquino-Cruz na umaabot na sa apat ang auto-immune disease ng TV host.

Matatandaang umalis ng bansa si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby upang magpunta sa Amerika para sa pagpapagamot.

“Hindi ako naniniwala Salve na hindi lalaban si Kris Aquino para gumaling siya sa kanyang sakit Salve at Gorgy.

“Kahit ano pa sabihin ninyo born fighter si Kris , at lalo pa nga at nandiyan sila Joshua at Bimby.

“Hindi papayag si Kris na hindi makita ang paglaki ng dalawa, makitang maayos ang kinabukasan nila.”

“Saka si Kris Aquino will never give up basta alam niya na meron pang paraan para malagpasan mo ang problema.

“Napakataas ng wisdom ni Kris para basta mag give up.

“For the sake of Joshua and Bimby, pray tayo na gumaling at maging malakas uli si Kris Aquino.

“Marami naman prayer warriors na tiyak nagdarasal para sa kanya.

“Don’t give up Kris, Fighting👍“

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: