PBB Connect: Crismar, out; 2 new girl housemates, in

Ang tinaguriang Military Son ng Palawan na si Crismar Menchavez ang latest evictee ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect.

Sa 4th eviction night ng PBB kagabi, si Crismar ang nakakuha ng lowest combined votes na mula sa text votes at Kumu.

Screen grab: YouTube | ABS-CBN

Matatandaang naging kontrobersiyal si Crismar nang maungkat ang usapin ng ABS-CBN shutdown sa loob ng bahay ni Kuya.

Umamin silang dalawa ng kapwa housemate na si Russu Laurente na nakisang-ayon sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Umani ito ng batikos sa social media. Kinuwestiyon ng mga fans at viewers ng programa, gayundin ng mga loyal Kapamilya supporters, ang kanilang pagsali sa PBB matapos makisuporta sa pagpapasara ng network.

Screen grab: YouTube | ABS-CBN

Personal nang nakausap nina Russu at Crismar si Big Brother upang humingi ng paumanhin tungkol dito.

Inamin ni Russu na nakapag-tweet siya noon ng suporta sa ABS-CBN shutdown.

Si Crismar naman ay umamin na naisip din niya ang pagsang-ayon sa pagpapasara ng network.

Agad namang tinanggap ni Big Brother ang kanilang paghingi ng paumanhin.

= = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

PBB housemate Russu, umamin na tungkol sa anti-ABS-CBN tweet

Robi at Bianca, nagkomento tungkol sa PBB housemate na kontra sa ABS-CBN

Toni Gonzaga, ipinagtanggol si Russu Laurente

= = = = = = = = = = = = = = =

Una nang napalabas ng bahay ni Kuya si Russu noong 2nd eviction night matapos makakuha ng pinakamababang boto.

Samantala, sa paglabas ni Crismar mula sa PBB house, dalawang babae ang ipinakilalang bagong housemates.

Ito ay ang Brainy Balikbayan ng Laguna na si Quincy Villanueva, at ang Sing-ternational Survivor ng New York na si Gail Banawis.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: