ABS-CBN & TV5 partnership, kasado na?

Napapabalitang matutuloy na ang rumored partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Matatandaang matapos maipasara ng kongreso ang ABS-CBN network dahil sa hindi pag-renew ng franchise nito, hindi tumigil ang Kapamilya network sa paghahanap ng paraan upang maipagpatuloy ang kanilang serbisyo.

Una na nilang mas pinalakas ang kanilang digital presence sa pamamagitan ng paglulunsad ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook kung saan napapanood ang karamihan sa Kapamilya shows.

PHOTO: ABS-CBN

Nariyan din ang Kapamilya Channel sa cable at ang online streaming platform iwantTFC.

Nagkaroon din sila ng limitadong pagbabalik sa free TV sa pamamagitan ng blocktime agreement sa Zoe Broadcasting Network ni Bro. Eddie Villanueva. Kasalukuyan ngang napapanood sa rebranded A2Z channel 11 ang ilang Kapamilya shows.

PHOTO: A2Z Channel 11

Una na ring naiulat ang pagiging line producer ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, sa isang youth-oriented show na ipapalabas din sa TV5 sa pamamagitan ng Brightlight Productions ni former Cong. Albee Benitez na isa ring blocktimer sa Kapatid network.

= = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

Balik-ASAP nga ba ang former Kapamilya stars?

Mga lumipat na Kapamilya stars, di na pwedeng bumalik?

Vice Ganda: Magkamatayan na, hindi ko iiwan itong ABS-CBN

= = = = = = = = = = = = = = =

Nawalan man ng prangkisa, masasabi namang mas lumalawak pa ngayon ang reach ng ABS-CBN sa iba’t ibang platforms.

At ayon nga sa report ni Ricky Lo sa Philstar.com, isang ‘big announcement’ ang maaaring maganap anumang oras sa linggong ito.

The bigwigs of both networks are mum on the matter at the moment. Funfare sources said that the big announcement will be made at a presscon anytime… this week?

Ano nga kaya ang ‘big announcement’ na ito?

Magkakatotoo nga kaya ang matagal nang usap-usapan na pagkakaroon ng partnership ang dalawang networks?

Ibig bang sabihin nito ay mapapanood na ang mga Kapamilya shows sa Kapatid network?

Abangan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: