Balik-ASAP nga ba ang former Kapamilya stars?

Oktubre noong nakaraan taon nang magsialis ang ilang Kapamilya stars para lumipat sa noo’y magsisimula pa lang na Sunday Noontime Live (SNL).

Ang mga main hosts nito ay sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Donny Pangilinan, Jake Ejercito, at Catriona Gray.

Ang SNL ay ang musical variety show ng TV5 na produced ng Brightlight Productions ni former Cong. Albee Benitez.

Karamihan sa mga Kapamilya stars na lumipat dito ay galing pa mismo sa katapat na ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

Kabilang na rin dito ang former Star Magic head na si Mr. M o Johnny Manahan. Si Mr. M din ang dating direktor ng ASAP, at ito rin ang naging direktor ng SNL.

Mainstay dati ng ASAP sina Piolo, Maja, at Donny. Madalas ding mag-guest dito noon si Catriona.

Samantala, ang mga naging mainstay naman ng SNL ay mga Kapamilya stars din gaya nina Maris Racal, Zephanie Dimaranan, Sam Mangubat, at iba pa.

= = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

Mga lumipat na Kapamilya stars, di na pwedeng bumalik?

Vice Ganda: Magkamatayan na, hindi ko iiwan itong ABS-CBN

= = = = = = = = = = = = = = =

Ngayong araw, January 17, kumpirmado na nga ang pamamaalam sa ere ng SNL.

Ito ay kinumpirma mismo ng CEO ng Brightlight Productions na si Cong. Benitez.

Sunday Noontime Live (SNL)’s delightlful run is about to end and we await future endeavors from its outstanding stars and phenomenal newcomers.

Maliban sa SNL, last day na rin ngayon ng Sunday Kada na pinagbibidahan din ng ilang former Kapamilya stars gaya nina Jayson Gaiza, Ritz Azul, Josh Colet, Sunshine Garcia, Wacky Kiray, Daniel Matsunaga, Maxine Medina, Miles Ocampo, Badji Mortiz, at Jerome Ponce.

Kasama rin sa nagwakas na ang I Got You na pinagbidahan rin ng former Kapamilya stars na sina Beauty Gonzalez, RK Bagatsing, at Jane Oineza.

Dahil sa sunod-sunod na pagtatapos ng mga TV5 programs na nilipatan ng ilang Kapamilya stars, nangingibabaw ang tanong ng mga netizens.

Babalik nga ba ang mga Kapamilya talents na ito sa ABS-CBN?

Muli nga bang mapapanood si Piolo sa ASAP?

Magre-reyna nga kaya ulit sa ASAP dancefloor si Maja Salvador? Paano na si Kim Chiu na ngayon ay binansagang ‘Queen of the Dancefloor’?

Magbabalik nga ba si Zephanie sa ASAP para makumpleto ulit ang trio nila nina Elha Nympha at Janine Berdin?

‘Yan ang dapat nating abangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: