Bagong teleserye ng KathNiel, kwento ng ‘timeless love’

Taong 2017 pa nang huling mapanood ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mas kilala bilang KathNiel sa isang teleserye.

Ito ang ABS-CBN top-rating na La Luna Sangre na napanood mula June 2017 hanggang March 2018.

Kamakailan lang ay pinagbidahan ng kanilang tamabalan ang digi movie series na The House Arrest of Us na napanood sa streaming platform na iwantTFC.

At makalipas nga ang humigit-kumulang tatlong taon, magbabalik ang kanilang tambalan sa telebisyon sa pamamagitan ng isang bagong teleserye.

Ito ay sa panulat ng sikat na spoken word poetry artist na si Juan Miguel Severo, na kasama rin nila sa top-grossing film na The Hows of Us.

Sa isang bloggers conference para sa The House Arrest of Us, nagbahagi ang KathNiel ng ilang detalye tungkol sa kanilang bagong teleserye.

Sabi ni Kathryn:

Excited kami sa teleserye na gagawin kasi ‘yong concept noon nanggaling siya kay Gege (Severo), so it’s something na gusto namin ni DJ talaga. Kaya medyo na-delay kasi inaayos ‘yong script. We’re happy kasi we’re working on a project na gusto namin talaga ‘yong concept.

Hindi rin naitago ni Daniel ang kaniyang excitement para sa proyekto.

Sana matuloy na ‘yong project na niluluto para sa amin. Sana within the year magawa natin ‘yon dahil marami na ring nag-aabang at naghihintay. Saka ‘yong istorya na binigay sa ‘min, nakaka-excite din siyang gawin eh.

Dagdag pa ni Kathryn, malayo raw ito sa mga nagawa na nilang proyekto dati. Matagal na raw nila itong gustong gawin pero mahirap i-execute kaya kailangan ng mas mahabang panahon.

Sa Together as One sa 2021 video ng ABS-CBN kung saan ipinakita ang mga upcoming shows ng Kapamilya network, isa nga itong KathNiel teleserye sa mga dapat abangan sa taong ito.

Sa teaser ng nasabing teleserye, nabanggit na kwento ito ng isang timeless love. Bagama’t walang ibang detalye pa na ipinakita, sinabi namang isa itong romantic journey through time. 

At ang tanong na iniwan sa teaser:

Kaya mo bang ipaglaban ang inyong pag-ibig kung galing kayo sa magkaibang panahon?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: