Loisa Andalio, napikon nang tawaging retokada?

Retokadang-retokada ang fez ni Loisa Andalio ngayon ah. No offense.

Isa ito sa mga mean comments na sinagot ng magkasintahanang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Sa isang YouTube video, magkasamang nilang binasa at sinagot ang ilang mga mean comments tungkol sa kanila.

 

Bagama’t tila pabiro, may ilang pagkakataon na sinabi ng na may mga komentong hindi nila nagustuhan.

Sa isang komento na pumupuna sa itsura ni Loisa, tila hindi niya napigilan ang “manggigil.”

Nanggigigil ako sa ganito.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit nila iniiwasang magbasa ng mga komento mula sa mga bashers.

Hinggil sa issue ng pagpaparetoke, tahanasang itinaggi ng aktres na may ipinaayos siya sa kaniyang mukha.

Wala akong ginawa. Never akong nagparetoke. As in hindi ako nagparetoke talaga. Hindi ko rin pinangarap na magparetoke. Kumbaga, ayokong baguhin ang hitsura ko.

Wala naman daw siyang pagtutol sa mga nagpaparetoke para ipa-enhance ang itsura, pero para sa sarili niya, hindi niya raw ito kailangan.

Okay lang i-enhance. Hindi ako ano doon, wala akong problema sa mga nagpapa-enhance.

Idinaan na lang din niya sa biro ang sumunod niyang sinabi.

Pero sa nakikita ko, wala naman dapat i-enhance. Wow, lakas!

Aminado naman siya na noong mas bata pa siya, minsan niyang naisip ang pagpaparetoke pero hindi naman niya ito itnuloy.

Idinaan na lamang daw niya sa pagda-diet ang pagnanais na pumayat. Dito niya na-realize na hindi naman pala niya kailangan ang liposuction.

May isa ring komento na tinawag siyang “bobo, tanga, malandi” at kung ano-ano pang negatibong mga salita.

Hirit naman ng Kapamilya actress:

Lahat ng masasakit na salita, sinabi mo sa akin. Inagawan ba kita ng jowa? Ari-arian mo kinuha ko? Grabe naman ‘yong inutil.

Dagdag pa niya:

Hindi ako nahe-hurt pero kayong mga bashers, bawas-bawasan n’yo ang ganyan kasi pangdya-judge ‘yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: