DI NA NATUTO: Netizens react to Matteo Guidicelli’s unboxing video

Pinag-uusapan na naman ngayon sa social media si Matteo Guidicelli dahil sa unboxing video niya ng Sony PlayStation5.

Kung noong isang taon ay nag-viral ang unboxing video niya ng Sony PlayStation4 dahil sa tila hindi nito pag-iingat sa kahon nito at sa mismong gadget, tila naulit lang ngayon ang nasabing pangyayari.

Agad dinagsa ng comments ang YouTube video. Kapansin-pansin din na umani ito ng mas maraming dislike reactions kaysa likes.

Isa ang komedyanteng si Michael V o Bitoy sa mga nag-iwan ng komento sa nasabing video.

Narito naman ang komento ng ilan pang mga viewers.

Kapansin-pansin din sa mga comments na tila marami ang naniniwalang sinadya na lamang ni Matteo na ulitin at gayahin ang paraan niya ng unboxing.

May ilan namang nagsabi na tila hindi na ito natuto sa inabot na pamba-bash dahil kaniyang naunang unboxing video.

Sa post naman sa official Facebook page ng aktor, iba-iba rin ang naging reaction ng kaniyang mga followers.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Sa Twitter, hindi rin naawat ang ilang reaction ng mga netizens.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: