It’s official: Janine Gutierrez, certified Kapamilya na

Janine Gutierrez is now a certified Kapamilya!

Matapos ang ilang linggong usap-usapan tungkol sa paglipat ni Janine sa ABS-CBN, tuluyan nang pumirma ang award-winning actress ng kaniyang kontrata sa network.

Sa contract signing niya ngayong Biyernes, January 15, ay present ang ABS-CBN executives na sina  ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, Dreamscape Entertaiment head Deo Endrinal, at Ric Tan.

Kasama rin sa nasabing contract signing ang manager ni Janine na si Leo Dominguez.

Ilang linggo ring palaisipan kung lilipat nga ba ang aktres matapos hindi i-renew ng GMA-7 ang kaniyang kontrara na nag-expire noong isang taon.

= = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

Janine Gutierrez, certified Kapamilya na?

Bong Revilla, may kinalaman sa di pag-renew ng kontrata ni Janine sa GMA?

= = = = = = = = = =

Sa ngayon ay wala pang formal announcement tungkol sa mga proyektong gagawin ni Janine sa Kapamilya network.

Maugong naman ang request ng mga fans ng aktres na gamapanan niya ang karakter ni Valentina sa nalalapit na paglipad ni Darna sa Darna: The TV Series.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: