Kim Atienza, nag-sorry matapos mag-tweet ng ‘fake news’

“My deepest apologies to those that were affected by my tweet.”

Ito ang naging tweet ni Kuya Kim Atienza matapos siyang i-call out ng netizens sa isang naunang tweet tungkol sa monkeypox.

Inamin niyang may kalabuan ang ilan sa mga sinabi niya sa tweet na maaaring nakasakit sa mga miyembro ng LGBTQ community.

“Some of the things I said were ambiguous and caused a lot of hurt especially to members of the LGBTQ community.

“You are correct Monkeypox is sexually transmitted but also by non sexual close contact. It not an STD.”

Sa isang naunang tweet, sinabi niya na ang monkeypox ay isang sexually-transmitted disease na kadalasang nakukuha sa pakikipagtalik ng isang lalaki sa kapwa lalaki.

”Chicken pox is less severe and the virus is airborne.

“Money pox is sexually transmitted, usually M to M.”

Binura na niya ang nasabing tweet matapos siyang itama ng ilang netizens.

Agad din siyang humingi ng paumanhin.

Itinama rin niya ang sinabi niya sa naunang tweet.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!