Alma, Maui, Ara, at Osang, nagpatalbugan sa pagiging ‘p*rnstar trainees’

Viral agad at pinag-uusapan ngayon ang trailer ng pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” na pinagbibidahan nina Alma Moreno, Maui Taylor, Ara Mina, at Rosanna Roces.

Ang caption ng post ng Viva Films sa Facebook:

P*** ng pelikula,
Puso ng Artista
Noon, Hubog ng Katawan
Ngayon, Hubad na Katotohanan

Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor and Rosanna Roces in
Paglaki ko, gusto kong maging #PORNSTAR

From the writer and director of the blockbuster hit, #JOWABLE, Darryl Yap.

Cumming soon on January 29, 2021!
Only at Vivamax

 

Sa mga komento sa nasabing post, marami ang naaliw sa makatotohanang linyahan ng mga dating sikat na sexy stars.

Matatandaang sina Maui, Alma, Ara, at Osang ay sumikat sa mga sexy films noong mga kapanahunan nila.

Sa pelikulang ito na idinirek ng “Jowable” director na si Darryl Yap, ang apat na sexy stars na ito ay gaganap bilang sila mismo.

Sa kwento, sila ang gaganap na mentors at magpapatalbugan bilang mga ‘pornstar trainees’ ng mga bagong sexy stars na gagampanan naman nina Aj Raval, Anna Jalandoni, at Rose Van Ginkel.

Kaagad nakahakot ng 6 million views ang trailer nito sa loob lamang ng 48 hours.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: