Pagkagalit at pagkadismaya ang karamihan sa naging komento ng netizens kaugnay ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN.
Sa isang post ng Facebook page na UGH, nakalakip ang screenshot ng isang eksena sa episode na tumalakay sa buhay ni JC Alcantara.
Sa caption ng nasabing post, tinuligsa nito ang ginawang paggamit ng sojada/sajadan o prayer mat bilang doormat.
Narito ang buong caption ng post (published as is):
Ano na Abs-Cbn? Baka gusto nyo pang Shutdown ulit? Respeto naman sa mga MUSLIM ginawa nyong Doormat yung SOJADA ng mga Muslim na ginagamit sa pag Prayer
Sa screenshot naman ng mismong eksena ay nakalagay ang text na ito (published as is:
Na curious lang ako sa sinabi ng pinsan ko about sa episode ng MMK last night, ginawa daw nilang doormat ang sajadan/prayer mat. So pinanood ko sa youtube. Totoo nga. [sad emoji] Hindi ako nagpapaka religious ah. Napansin ko lang din [sad emoji].
As of writing, mayroon nang mahigit 4K shares ang nasabing post.
Sa comment section nito, tinuligsa ng viewers ang nasabing eksena.
Ayon pa sa mga nagkomento at nagsabing Muslim sila, tahasang pambabastos daw ito sa kanilang pananampalataya. Ang ilan sa kanila ay nanawagan ng pag-boycott sa programa ng ABS-CBN.
Narito ang ilang mga komento.
Samantala, naglabas na kahapon ang MMK ng program statement ukol sa nangyari.
Nanghingi sila ng paumanhin sa kontrobersiyal na eksena na maaaring naka-offend sa mga Muslim viewers.
Sinabi nilang “honest mistake” ang tinawag nilang “lapse in production.”
MMK expresses deep regrets for a scene in last Saturday’s episode that may have offended its Muslim viewers.
It was an honest mistake and we offer no excuse for this lapse in production.
We thank our viewers for the feedback and promise to do better.
Ano ang masasabi mo tungkol dito?