May nabubuong haka-haka ngayon ang ilang netizens tungkol sa hindi pagre-renew ng kontrata ni Janine Gutierrez sa GMA-7.
Nag-expire ang kontrata ni Janine noong November 2020 at hindi na nga ito ni-renew ng kaniyang home network.
Dahil dito, umugong ang balita ng pagtawid niya ng bakod sa ABS-CBN.
RELATED POST:
Janine Gutierrez, certified Kapamilya na?
Ayon sa ilan, maaaring may kinalaman ang isang tweet noon ni Janine patungkol sa nakatakdang pagbabalik-telebisyon ni Bong Revilla sa pamamagitan ng isang GMA-7 show.
Napa-retweet noon ang aktres at sinabing:
Oh God
Oh God https://t.co/iDT0KSWsIU
— JANINE ✨ (@janinegutierrez) December 18, 2019
Sinalubong ito noon ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.
Ang ilan ay hinangaan siya sa kaniyang katapangan at paninindigan.
Ang ilan naman ay naging negatibo sa kaniyang komento.
Kabilang na dito noon ang manager ni Bong na si Lolit Solis.
Base sa nasabing bulong-bulungan, mukhang mas pinaboran daw ng Kapuso network ang pagbabalik ni Bong Revilla kaysa sa pag-renew ng kontrata ni Janine.
May katotohanan nga kaya ito?
Sa panig naman ni Bong, sinabi niya:
Walang masamang tinapay sa akin. In short, wala sa akin iyon. Kahit ano pa ang nangyari in the past, wala iyon, wala akong kinalaman doon.
Kung ako, sasabihin na gagawa kami ng movie together, I’m very much willing to accept her as my leading lady. Pero kung hindi man, okay lang din.