PBB Connect: Mika, out; Amanda, in

Sa third eviction night ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect kagabi, tuluyan nang napalabas ng bahay ni Kuya ang tinaguriang “Single Momshie-kap ng Bataan” na si Mika Pajares.

Screen grab : YouTube | ABS-CBN

Sa apat na nominated housemates kabilang sina Kobie Brown, Haira Palaguito, Chrismar Menchavez, at Mika, ang huli ang nakakuha ng pinakamababang combined score mula sa text votes at Kumu.

Screen grab : YouTube | ABS-CBN

Si Mika ang pangatlong housemate na na-evict ngayong season.

Una nang napalabas ng PBB house sina Justin Dizon at Russu Laurente.

RELATED POSTS:

Controversial PBB housemate Russu Laurente, evicted na

Justin Dizon, evicted na sa PBB house

Samantala, sa paglabas ni Mika kagabi ay pinapasok naman ang pinakabagong housemate sa bahay ni Kuya.

Ito ay si Amanda Zamora, ang Unique-a Hija Darling ng San Juan.

Si Amanda ang panganay na anak at nag-iisang anak na babae ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Maliban kay Amanda, may dalawa pang additional housemates ang papasok sa PBB house sa susunod na linggo.

Kasalukuyan pa nilang kinukumpleto ang kanilang required quarantine bago tuluyang maging official housemate para sa season na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: