Janine Gutierrez, certified Kapamilya na?

Ilang linggo na ring usap-usapan ang napipintong paglipat ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN.

Ito ay matapos na hindi na siya mag-renew ng kontrata sa dati niyang home network na GMA-7.

Lalong umugong ang usap-usapan nang mamataan siyang nakipag-meeting sa ilang executives ng Kapamilya network.

Sa larawan na ipinost ng manager ni Janine na si Leo Dominguez, nagpasalamat ito kay Deo Endrinal sa tinawag nitong “congratulatory dinner” para kina Janine at Paulo Avelino.

Thank you Sir Deo Endrinal for the Congratulatory dinner for Paulo Avelino and Janine Gutierrez.

Si Deo Endrinal ang head ng Dreamscape Entertainment na isang production unit ng ABS-CBN. Kasama rin nila sa nasabing meeting ang creative manager ng Dreamscape na si Rondel Lindayag, at ang talent manager na si Rey Lanada.

Bagama’t hindi malinaw kung para saan ang congratulatory dinner na ito, marami ang naghinalang para ito sa pagkapanalo ng dalawa ng acting awards.

Kamakailan ay nanalo si Paolo bilang MMFF best actor para sa Fan Girl, at nagwagi naman si Janine ng FAMAS best actress para sa Babae at Baril.

Ang tanong ng mga tagahanga ni Janine, kumpirmasyon na ba ito ng paglipat niya sa Kapamilya network? Magkakasama kaya sila ni Paulo sa kaniyang unang proyekto sa Dos?

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kina Janine at sa ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: