Guro sa Zamboanga City, nag-viral sa social media dahil sa pagpapahiram ng sapatos sa isang graduating student

Hinangaan ng netizens ang isang lalaking guro sa Labuan Central School sa Labuan, Zamboanga City matapos mag-viral sa social media ang ilang larawan nito at ng isang lalaking estudyante.

Sa mga kumalat na larawan, makikita ang guro na nagpahiram ng kaniyang sapatos sa isang graduating student.

Kapansin-pansin sa isang larawan na sira na ang sapatos ng estudyante at binalutan na lamang ito ng tape para magamit pa.

Ayon sa guro na si Christian Carpio, hinubad at ipinasuot niya sa estudyante ang kanyang sapatos nang makita ang suot na sirang sapatos.

Aniya, parehong sira ang sapatos ng estudyante at ginawan na lamang na paraan para may magamit sa graduation.

Idinagdag niya na nagmamartsa na paakyat ng establado ang estudyante nang makita niya ang suot nito.

“Kinukuwento ko ito hindi upang magmalaki, bagkus upang sila nitong guro sa kwento ng Mindanao Voices ay pamarisan–lalo na noong mas may mga kakayahan sa buhay.”

Mabilis namang nag-viral ang nasabing mga larawan at umani ng papuri ang guro sa ginawa nito.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Yung mga ganito ang dapat na pinapasikat para maging magandang halimbawa.”

”God bless sa’yo sir. Nawa’y pagpapalain ka pang lalo na Maykapal.”

”Nakakataba ng puso na may mga ganito pa ring guro na talagang selfless.”

”Si Sir ang patunay na pangalawang magulang talaga ang mga guro.”

”Bilib din ako sa estudyante na hindi ginawang hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral.”

”Nawa ay maging inspirasyon ang kabutihan ni Sir para mas magsumikap ang estudyante na yun.”

”Ang swerte ng mga estudyante na may mga gurong kagaya ni sir.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: