‘Boyfriend reveal’ ni Raymond Gutierrez, umani ng iba’t ibang reaksiyon

May pa-‘face reveal’ na si Raymond Gutierrez sa kaniyang foreigner boyfriend.

Sa isang Instagram post ay ipinakilala na ni Raymond sa publiko ang kaniyang boyfriend na si Robert William.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mond (@mond)

May caption ang post na:

“Celebrate your love! Happy Pride, Philippines”

Ito ang unang pagkakataon na pinangalanan niya at ipinakilala sa madla ang kasintahan.

Sa unang litrato, makikita silang magka-holding hands habang naglalakad sa tabing-dagat.

Sa sumunod na litrato naman ay collage ng ilang litrato na magkayakap sila at magkahalikan.

Matatandang kamakailan ay isinapubliko ni Raymond sa podcast ni Wil Dasovich ang pagkakaroon nito ng kasintahan.

Sa kuwentuhan naman nila ni Dra. Vicki Belo ay ibinahagi ni Raymond na nasa “world of law” ang trabaho ng boyfriend.

Nagkakilala raw sila sa isang dinner na inorganisa ng isang common friend nilang taga-Miami.

Instant attraction daw ang naramdaman nila sa isa’t isa.

“I think we had chemistry and, like, you know, the connection was there and that’s not something that you get that quickly and that feeling, you don’t really get it so fast.

“And I’ve met a lot of amazing guys in L.A. but that instant connection was not there, and I think that’s why I stayed single for so long.

“It’s because that’s what I’m looking for… the ease, like, no games. No, like, chasing.”

Sa kaniyang IG post, nagkomento ang ilang kakilala at kaibigan ni Raymond.

Kabilang na rito ang mga kapatid na sina Ruffa at Richard.

 

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: