John Lloyd Cruz, nagdiwang ng kaarawan kasama ang rumored girlfriend

Nagdiwang ng kaniyang ika-39 na kaarawan ang aktor na si John Lloyd Cruz kahapon, June 24.

Sa instagram post ni Jayson Gainza na co-star ni John Lloyd sa GMA-7 show na Happy ToGetHer, makikita ang tila isang surpresang birthday celebration para sa aktor.

May taping noon ang kanilang show pero present din ang napapabalitang girlfriend ni John Lloyd na si Isabel Santos.

Sa video at ilang larawan na kumakalat na ngayon sa social media, makikita ang babae na may hawak na birthday cake habang kumakanta naman ng “Happy Birthday” ang mga tao sa paligid.

Nang hipan ng aktor ang kandila sa kaniyang birthday cake, binigyan din niya ng halik sa pisngi ang rumored girlfriend.

Kasama rin sa okasyon si Elias, ang anak ni John Lloyd sa ex-girlfriend na si Ellen Adarna.

Noong nakaraang taon pa naging usap-usapan ang umano’y ugnayan nina John Lloyd at Isabel.

May ilan gpagkakataon kasi na nag-post si Isabel ng mga larawan ng aktor.

Dahil dito, hindi maiwasang paghinalaan ng netizens ang namamagitan sa dalawa.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol dito (published as is).

”Happy for John Lloyd. Sana siya na talaga.”

”Sana may forever na talaga for John Lloyd.”

”Bakit parang napakabata naman yata ng jowa niya?”

”Ako lang ba o talagang may hawig yung babae kay Angelica Panganiban?”

”Sweet naman. Mapapa-sana all ka na lang talaga.”

”Sana maging totoong masaya na si John Lloyd sa love life nya.”

”Deserve ni John Lloyd ang maging masaya rin sa pag-ibig.”

”Nakakakilig naman ang pa-surprise.”

”Girlfriend reveal naman dyan, lodi!”

”Ipakilala na yan. Hehe!”

”Support na lang natin si idol sa love life.”

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: