Toni Gonzaga, magbabalik na nga ba sa ABS-CBN?

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y napipintong pagbabalik sa ABS-CBN network ng tinaguriang multimedia star na si Toni Gonzaga.

Lumabas sa pahayagang Balita ang nasabing usapin at ayon sa report, maaari pa rin umanong bumalik sa ABS-CBN si Toni kahit kailan at tanggap pa rin siya ng network.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang biglaang pag-alis ni Toni sa network.

Kasalukuyan siyang host noon ng latest season ng Pinoy Big Brother nang magbitiw siya bilang host nito.

Ito ay matapos ang nakuha niyang mga negatibong komento mula sa netizens nang bigla siyang mapanood bilang host sa proclamation rally ng noo’y kumakandidato pa lamang sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Hindi naging maganda ang reaksiyon dito ng mga Kapamilya viewers lalo pa at kasama sa line-up ng mga kandidato ang ilan sa mga prominenteng tao na sangkot sa pagkitil ng prangkisa ng ABS-CBN network.

Sa pamamagitan ng isang social media post ay nagpaalam ang TV host actress.

“It has been my greatest honor to host PBB for 16 years.

“From witnessing all my co-hosts’ transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!

“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines’ and ‘Hello World’ for the last 16 years.

“I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything.

“This is your angel, now signing off…”

At ngayong tapos na ang kampanya at eleksyon, napapabalita ang umano’y pagbabalik niya sa network.

Dahil dito, muling nag-react ang mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento hinggil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: