Dennis Padilla, may hinanakit sa mga anak na ‘dinedma’ siya noong Father’s Day

Tila nagtatampo ang aktor na si Dennis Padilla sa hindi pagbati sa kaniya ng tatlong anak kay Marjorie Barretto noong Father’s Day, June 19.

Sa Instagram post ngayong araw, June 22, idinaan na lang sa biro ang pagkadismaya niya sa mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Unang ipinost ng komedyante ang isang lumang larawan nila ng anak na si Leon.

“Leon… You forgot to greet me last sunday … hehe… Love you ingat… [praying hands, heart emojis]”

Kasunod naman nito ang larawan ng dalawang anak na babae na sina Julia at Claudia.

“Miss you both… You forgot to greet me last Sunday… Hehe! Love you… God bless you more [praying hands, heart emojis]”

As of this writing, burado na pareho ang nasabing mga posts.

Ilang netizens naman ang agad na nakapag-screenshot ng nasabing posts.

Marami sa mga ito ang tila nakisimpatiya sa komedyante.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: