Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa kanyang face shield.
Sa Facebook post ni Jonathan Toledo, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang face shield na ginamit niya sa loob n ghalos dalawang taon.
Sa caption ng nasabing post, pinasalamatan niya ang nasabing face shield na nagproktekta sa kanya sa mga nakalipas na buwan.
“Almost 2 years din kita nakasama. Kahit pinag tatawanan na tayo ikaw pa din pinili ko.
“Salamat sa pag protekta sa akin. mwa”
Kapansin-pansin ang napakaraming lukot sa nasabing face shield.
Matatandaang kamakailan lamang ay inianunsiyo na hindi na required ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nakapailalim sa alert level 1, 2, at 3.
Marami ang natuwa sa nasabing balita dahil face mask na lamang ang kailangan nilang suotin sa tuwing lalabas sa mga pampublikong lugar.
Agad na nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaskiyon ng netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Parang nakipagdigmaan sa virus. Hahaha!”
“Grabe naman sa lukot.”
“Gamit na gamit. Sobrang sulit na nyan. Hahaha”
“Bawing-bawi na ang ipinambili nyan. Hahaha”
“Ayos lang yan. Sa ulo lang naman nilalagay yan.”
“Keri lang yan. Head band lang naman talaga ang role nyan sa buhay. Haha”
“Kitang kita ang pinagdaanan ng face shield. Hahaha”
“Andami kong nakikitang ganyan. Tapos napapaisip ako kung pano pa sila nakakakita kapag ganyan ang suot.”
“Baka mahal pa ang bili dyan. Halos isandaan pa yan nung bagong labas. Hahaha”
“Itago mo muna. Wag mo muna itapon. Hahaha”
“Pweeng gawing remembrance. Lupit!
“Ang laki ng natipid ni kuya. Isa lang na face shield mula nung nagsimula ang pandemic. Hahaha”
“Pwede na yang i-display sa museum. Haha! Kitang kita ang pinagdaanan.”
“Grabe naman! Siguro sobrang labo nyan kapag nakasuot. Paano pa makakakita?”
“Siguro kapag suot mo yan, mangngapa ka na sa dadaanan mo. Haha”
“Wag mo muna itapon at baka i-require na naman ulit. Pabago-bago ang isip nila eh.”
“Grabe sa tipid si kuya! Hahaha”
“Samantalang ako, halos every week bumibili ako ng bago.”