Online shopper, nagulat sa ‘freebies’ na dalawang ahas sa inorder niyang folding bed

Ikinagulat ng isang online shopper nang may kakaibang “freebies” siyang natanggap kasama ng kanyang inorder na item nitong nakaraang 11.11 sale sa isang sikat na online shopping platform.

Hindi lang isa kundi dalawang ahas ang natagpuan ni Are Jhae Libunao na nakasamang nakabalot sa order niyang folding bed mula sa Lazada.

Ibinahagi niya ang karanasang ito sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Narito ang caption ng nasabing post (published as is).

“Lazada ano to bakit may ahas na 2 sa loob jusko muntik pa kami ano to freebies

“Nakipag-coordinate na po si Lazada about sa incident.”

Ayon sa kanya, bumulaga ang isang maliit na ahas nang buksan niya ang package.

Nang buksan naman niya ang kabilang dulo ng packgae ay may nakita pa silang isang mas malaking ahas.

Ayon naman sa pamunuan ng Lazada, nakikipag-ugnayan na sila sa customer tungkol sa insidente.

Nagpapasalamat din sila na isinumbong agada sa kanila ang pangyayari.

Hinihikayat din nila ang publiko na agad na i-report sa kanila ang mga kagaya nitong insidente upang agad na maaksiyunan ang lahat.

Mabilis na nag-viral ang nasabing post sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Grabe ang 11.11 sale! andaming freebies! Hahaha”

“Buti na lang at nakita nila agad at nahuli.”

“Paano kung di nila nakita agad yan? Nakakamatay pala ang 11.11.”

“OMG! Dalawa pa! Nakakakilabot!”

“Baka kay seller mismo nanggaling kasi nasa loob ng package eh.”

“Ayan, magiging mas maingat na ko sa pagbubukas ng parcel.”

“Sign na ba ito para bawas bawasan ko ang online shopping?”

“I can only imagine kung paano sila nagulat pagkakita ng ahas.”

“May folding bed ka na, may bestfriend ka pa! Hahaha”

“Jusmio! Di ko keri kung ako ang nakakita niyan pagkabukas!”

“Buti na lang at di sila nakagat.”

“May tinda na rin palang ganyan sa Lazada? Haha! Baka meron na rin sa Shopee. HAHAHA”

Bisitahin dito ang nasabing post.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: