Usap-usapan ngayon ang post ng isang netizen tungkol sa isang kilalang brand ng all-around sarsa.
Sa Facebook post ni Jane Blanca Saul, ikinuwento niya ang kakaibang karanasan ng kanyang pamilya habang kumakain ng hapunan gamit ang sikat na sawsawan.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
“Di ko akalain na mangyayare rin samin ang mga napapanuod ko lang sa tulfo at nag vaviral na mga pag kakamali sa pag proseso ng pagkain.
“nag message na po kami sa manufacturer ng Mang tomas pero wala pa po reply kaya pinost ko nlang para hindi rin makwestyon ang timeframe ng pang yayare.
“Habang kumakain po kami alas otso ng gabi July 30,2021 ( 8:10 pm) ang gamit pong sawsawan ng mga bata ay ang inyong produkto na mang tomas dahil inihaw na manok ang ulam.
“Sa kalagitnaan po ng aming pagkain ay sinisimot ng asawa ko ang sachet ng mang tomas Ay may nakapa sya sa loob na akala nya ay namuong sauce lang pero ng inilabas ay daga pala na makikita sa itsura na matagal na nasa loob at para bang naluto dahil walang mga balahibo.
“Simula po ng makita mismo ng mga bata ay ayaw na nilang kumain at lumipas ang nang minuto ay nag suka ang 7years old kong Kapatid. Hindi na po namin mapakain ang mga bata dahil sa pangyayare na para bang na trauma sila.”
As of this writing, binura na ng nasabing netizen ang kanyang post sa hindi pa malamang dahilan.
Bagama’t nabura na ito, marami rin ang nakapag-screenshot ng kopya ng mga larawang una nang nai-post.
Umani rin ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Talagang kapag may reklamo, social media ang takbuhan agad. Di ba pwedeng idirekta ang reklamo sa mismong inirereklamo?”
“Kadiri naman pala yan. Imagine yung masarap na ang kain mo tapos makikita mong ganyan.”
“Legit ba to? Grabe naman!”
“Baka naman flavor lang niya yan. HAHAHAHA”
“Yan siguro ang pampasarap. Hahaha”
“Di ko maimagine! Yck!”
“Favorite ko pa naman yan. Kahit anong prito, yan ang sawsawan ko. Pero wala pa naman ako naeencounter na ganyan.”
“Secret ingredient daw nila yan. Hahahaha”
“Post now, Tulfo later.”
“Imagine naisubo mo na saka mo pa lang makikita. HAHAHAHA”
“Pano kung nanguya na ng kumakain? Eeeew!”
Ikaw, anong masasabi mo dito?