Controversial vlogger Buknoy Glamurrr, arestado matapos timplahan ng juice ang holy water sa isang simbahan?

Usap-usapan na naman sa social media ang controversial vlogger na si Buknoy Glamurrr matapos lumutang ang isang balita tungkol sa kanya.

Ayon sa kumakalat na balita, inaresto umano ang vlogger matapos nitong timplahan ng juice ang holy water sa isang simbahan.

Youtube vlogger Andrew Luis N. Lapid o mas kilalang Buknoy Glamurrr, arestado matapos timplahan ng Tang Orange ang holy water sa St. Paul the Apostle Parish Church. Ayon kay Buknoy ay isa lamang itong prank para sa susunod na vlog.

Nasa kustodiya na ng Q.C. Police District ang vlogger matapos lumabag sa ECQ Guidelines.

Bagama’t hindi pa kumpirmado ang balita, mabilis na nag-react ang netizens hinggil sa issue.

May ilang nagsasabing maaaring fake news lamang ito dahil tila gawa-gawa lamang logo ng isang kilalang pahayagan sa kumakalat na larawan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: