Pinagkaguluhan sa social media ang mga larawan ng bagong Station Commander ng CGS Island Garden City of Samal (Igacos) na si CG LTJG Christian Bryan Ignacio.
Dinagsa ng komento ng netizens ang mga larawan matapos ianunsiyo ng Coast Guard District Southeastern Mindanao noong Sabado, Hulyo 3, ang promotion ni Ignacio.
Hindi nakalusot sa paghanga ng mga netizens ang kaguwapuhan at kakisigan ni Ignacio.
Ani Ignacio, “My previous assignment has a common geographical set-up, we could implement our best practice from Guimaras here in IGACOS, and continue the remarkable efforts of CGS Igacos.”
Samu’t sari ang mga naging komento ng netizens ngunit karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng paghanga sa kanya.
Narito ang ilan sa mga iniwang komento ng netizens (published as is).
“Ang Gwapo naman. Lapitin ng Tuksong makamundo. He he he…..”
“Ang popogi ng mga tagapanggol natin”
“Para makita niyo siya girls. Magkunwari kayong pirata! 😂”
“Wala akong pakialam kung gwapo na siya dahil hindi na ako interesado sa kanya pero dapat nabanggit ko ang fb o ig oy dahil hassle ang paghahanap sa kanya at wala ka sa labas!”
“Kung pangit hindi malulunod ang coastguard Kasi may shokoy coast guard kung gwapo malulunod agad Dahil may guwapong coast guard haha asan ang hustisya sa pangit natin, naaawa tayo haha”
“Pag pangit scrolldown agad pag gwapo heart reacts with comments as If naman na papansinin kayo nyan”
“manahimik ka, wag kang tsismosa, aalagaan niya muna ang mga iligal sa dagat”
“Ang gwapo ni sir ingat mga girls wag mag pa lunod ha”
“naglabasan na ang mga ligaw first move agad basta gwapo”
“Grabe naman. Wag nga kayo nagpo-post ng ganyan kung hindi nyo rin naman ibibigay ang contact number!”
“Sir, pansinin mo naman ako! Nalulunod na ako sa kapogian mo! Huhuhu”
“Help! Sagipin mo naman ang puso ko sir!”
“Parang pamilyar ang mukha niya. Parang may kamukha. Ah, alam ko na! Kamukha niya yung future husband ko!”
“Na-stalk ko na. Single pa si sir. Tara nang pumila!”
“Hoy, wala bang magshe-share ng fb account ni kuya?”
“Saan ba ang dulo ng pila? Makapila na habang maaga pa.”
“Sir, pakibantayan ang karagatan ko. Hahaha”
“paano ba maging pirata? Baka pag naging pirata ako, magkrus ang landas namin.”
Bisitahin ang nasabing post dito.